Monday, August 2, 2010

Kaming mga CREAM of the CROP


SECTION 1!!The cream of the crop ng paaralan...Ikaw ba ay napabilang sa pangkat na ito? Ako oo! Tunay ngang isang magandang prebilehiyo kapag napabilang ka sa tinatawag nilang klase ng mga henyo....Isa talaga itong magandang prebilehiyo!!Iba't-ibang oportunidad sa iyo'y bubungad ngunit di basta basta mapasama sa grupong ito..inuulit ko! di ito madali!

Akala ng karamihan, mga estudyante napapabilang sa section na ito ay walang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral, na parang kami'y isang tunay na henyo na kulang nalang ay magsuot ng napakalaking salamin sa mata..ngunit ito'y sadyang akala lamang...isang MALING AKALA..Kami rin nama'y simpleng estudyante dumaan din sa iba't-ibang kalokohan, tuksohan, biruan at syempre minsan dumaraan din kami sa kopyahan...

HENYO man kami'y ituring, PUL-POL pa rin ang dapat ibansag sa aming mga sarili!!!



"Tunay na HENYO ay di silang MATATALINO,
kundi silang may PANDAMA"


Kay bilis ng panahon, Magtatatlong taon na pala nang kami'y magtapos ng Sekondarya. Ngunit ang mga alaalang iyon, ay buhay na buhay pa rin sa aking isipan.Tunay ngang
kay sarap gunitain ang mga panahong iyon, ang mga panahong kami ay sama-sama, sa mga panahong kami'y tawa ng tawa at sa mga panahong kami'y hirap na hirap. Tuwing inaalala ko ang mga sandaling iyon, di ko maiwasang ngumiti at maluha dahil sadyang hanggang sa alaala na lang iyon, kailanman di na maibabalik pa...Kay hirap sabihing
sa ala-ala na lang magtatapos ang aming samahan! Di ba't kay lungkot isiping ang mga panahong iyon ay sadyang memorya na lang nang nakaraan.Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana! sana! sana!


Kay sarap alalahanin ang mga panahong iyon dahil masasabi kong ang mga panahong iyon ang bumuo sa tunay na ako. Oo kami ang mga pangkat ng estudyante na tinuturing na pinakamatatalino sa aming paaralan o tinatawag nilang CREAM of the CROP. Dahil nga kami ang nasa unang pangkat bawat isa sa amin ay kilalang kilala ng bawat estudyante.

Maliban rito sa amin kinuha ang bawat lider sa sa bawat organisasyon sa paaralan. Tunay ngang magandang oportunidad ang makabilang sa pangkat na ito, nariyan ang papularidad, kapangyarihan at higit sa lahat sa inyo nagtuturo ang pinakamagagaling na guro sa paaralan, o diba kay sarap makabilang sa pangkat namin. Ngunit syempre di sa lahat ng pagkakataon positibo ang natatanggap namin, marami rin kaming nakaaway di lang sa kapwa estudyante pati na rin sa ibang guro.


Iba't-ibang kritisismo ang aming narinig kesyo kami raw ay mayayabang at sip-sip at ito pa ang pinakamabigat ang halos panghina ng aming mga loob na lahat daw kami ay di na VIRGIN.. Tama ba yun!!!Grabe balita yun.....at pawang balita lang yun walang katutuhanan.Inuulit ko yun ay walang katutuhanan..

Kay sarap talagang gunitain ang mga panahong iyon, ang sarap sarap. Lalo na't kapag may examinasyon akala mo henyo sumagot kapag may bantay ngunit pagwala ng guro sa harap, hala ang gulo na.

Di ko rin makakalimutan kapag kami ay sumasali sa isang patimpalak labas man o loob ng aming paaralan. kasi ang pakay namin ay di lang makapagtanghal kundi masungkit ang unang parangal, kahiyahiya kasi kong kami ay matalo kami pa naman ang nasa pinakamataas na antas.

Sa bawat kompetisyong aming sinalihan garentisadong kami ang nanalo, kasi naman biroin mo kong paano kaming maginsayo.. todo effort at energy talga.....bigay todo na..Practice palang parang nasa laban na, ganun kami, ganun ang por-ey...

Lahat kami sa aming klase ay masasabi kong matatalino sa aming iba't-ibang paraan. Wala akong masabi sa aming determinasyon sa pag-aaral aral talaga kong aral.

Iba't-ibang grupo rin ang nabuo sa aming klase partikular na dito ang K-BOIZ, Cheeze DOgs, Charot at BURNING kung saan kabilang ako.
Bawat araw ng aming pagsasama-sama ay lalong tumitibay ang aming relasyon sa isa't isa. Kay lungkot nga lang isiping kami ay malayo nasa isa't-isa at may kanya kanya nang daang tinatahak.

Kung maibabalik ko lang ang mga panahong iyon. sana!!!

Ang pagiging kabilang ko sa pangkat na iyo na tinatawag naming POR-EY PULPOL na tinaguriang CREAM of the CROP sa aming paaralan ang bumuo sa aking pagkatao, salamat naging parte ako nun.. salamat..Mga ala-ala ng mga panahong iyon ay sana'y dilang maging isang ala-ala..sana balang araw magkasamasama kaming muli tulad na dati..

Por-EY! Cream of the CROP man ang turing, PUL-POL pa rin ang bansag sa aming mga sarili!!!

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. anung CREAM???
    Ice cream...
    hahahahahaha......

    ReplyDelete