Wednesday, August 18, 2010

METROSEXUAL beyond of our EXISTENCE

PROUD TO BE VAIN!!

TOL!DUDE!PARE!!! MAHILIG KA BANG MAGPAGWAPO...IBA'T-IBANG KOLORETE BA ANG NILALAGAY MO SA MUKHA MO.... KUNG OO!!
TOL ! METROSEXUAL KA!!

Ibang klase na talaga ngayon ang panahon di lang ang mga babae ang may karapatang mag-ayos ng sarili at magpaganda..Ngayon pati na kaming mga kalalakihan at walang halong diskriminasyon..sadyang METROSEXUAL lang...at hindi HOMOSEXUAL.!
Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon, kasabay ng pagusbong ng modernong teknolohiya ay ang paglabas ng iba't ibang uri ng tao partikular na sa kanikanilang kasarian. Kung dati lalaki at babae lang tapos nagsulputan ang mga bakla at mga tibo, at ngayon mayroon namang tinatawag na METROSEXUAL.

Ngunit ano ba itong Metrosexual? Paano ba ito nagumpisa?

Ang salitang "METROSEXUAL" ay inuugnay sa mga kalalakihanng na ang hilig ay mag-ayos ng sarili, damit at kung anu-ano pa. Ang pagiging METROSEXUAL ng mga kalalakihan ay hindi anyo ng HOMOSEXUALITY. Inuulit ko ang pagiging metrosexual ay di pagiging bakla o kung ano pa iyong itawag sa kanila.

Ang salitang ito ay naimbento nung taong 1994 ng isang kilalang British journalist at writer, broadcaster na si MARK SIMPSON.
Ayon sa kanya
"the term described any straight male who invested heavily in skin care products, colognes, male cosmetics and fashionable clothing. A modern metrosexual may not exhibit any homosexual mannerisms at all, and indeed is often considered to be extremely masculine."


Maraming sikat na personalidad tulad ni DAVID BECKHAM sikat na manlalaro ng soccer, at sina Brad Pitt, Ryan Seacrest at George Clooney na sikat na mga Hollywod Actor ay kabilang din sa pangkat na ito.

AKO BILANG ISANG METROSEXUAL!!!
Sa ating panahon ngayon marami ng pagbabago, mga pagbabagong kasabay na ng pag-agos ng panahon . Kabilang na rito ang mga anyong pisikal ng mga tao, bawat indibidwal ay may kanya kanyang istilo ng pananamita at pagpapaganda. Isang magandang halimbawa, napapansin nyo ba ang bawat taong dumaraan sa inyong harapan lalo sa mga kalalakihan, di ba't parang iba na.

Karamihan na sa mga kalalakihan ngayon ay gumagamit na mga productong tinatawag nilang cosmetics. Di ba't nakakagulat mga lalaki silang ituring ngunit pampaganda sa mukha ang kanilang pinagkakaabalahan. Ngunit inuulit ko hindi sila bakla at wala silang bahid homosexual sa pagkatao. Ang Terminolohiyang METROSEXUAL ay binansag sa mga kalalakihang ito.

Sa aming Eskwelahan halimbawa, di mo maiiwasang makakita ng estudyanteng lalaki na may polbo o foundation sa kanilang mga mukha at kung pagmamasdan mo sila, super linis di ba..
Naiisip ko lng, siguro isa rin ako sa kanila, takot kasi ako mapuna o mapagtawanan ninuman pagdating sa akin pisikal nakaanyoan. Kung kaya't nahilig akong gumamit ng nasabing mga produkto sa mukha.

1 comment: