it is preferable to change the world on the basis of love of mankind!! But if that quality be too rare, the common sense seems the next best thing
Sunday, July 4, 2010
IBA'T IBANG MUKHA NILA MA'AM AT SIR!!
Guro, Teacher, Prof,
o kahit anu pa ang iyong ibansag.
Ma'am at Sir
Sa kanila'y unang tinatawag
Sila Ma'am at Sir
Pare-pareho nga lang ba sila?
O may taglay din silang pag kakaiba
Anu nga ba ang tingin natin sa kanila?
at Anu nga ba ang tingin
natin sa propesyon nila?
Ikaw! kilala mo ba sila...
Sina Ma'am at Sir
Na iyong kasama tuwina sa paaralan
Sila ba'y iyong kinagigiliwan
O iyong kinaiinisan
Anu nga ba ang iba't ibang mukha nila Ma'am at Sir?
Sina Ma'am at Sir
Kung ating ituring
Ay henyo sa ating paningin
Tarabaho nila'y di dapat baliwalain
Sapagkat taglay na husay
ay dapat ngang purihin
Sina Ma'am at Sir
Pangalawang magulang kong sila'y tawagin
Sa loob ng Eskwelahan bida ang turing
Ngunit lahat ba sila'y dapat PURIHIN
O may ilan sa kanilang
Dapat nang PATALSIKIN.....
Tanung sa sarili
Ma'am at Sir ,Isa lang ba ang mukha?
Mukhang dakila na dapat ngang itingala
O mukhang WALA na dapat ng ibaliwala
Iba't ibang mukha nila Ma'am at Sir
Aking nakita...
May mukhang galak sa kanilang serbisyo,
Mukhang tapat na dapat irespeto,
at mukhang umaapaw sa galing at talino....
Yan sina ma'am at sir na aking iniidolo..
Ngunit di lahat ng guro ay pare-pareho
Kung may Ma'am na magaling at disiplinado sa lahat ng gawain,
Heto naman si Ma'am na maarte at pampaganda lang ang pinapansin.
Kung may Sir na istrikto at sa leksyon ay utak nakasentro,
Ito naman si Sir na puro pauso at sa inuman handa ng makigulo.
Bakit, OH Bakit, nagkaganito
Sina Ma'am at Sir na aking iniidolo
May kasama palang pampagulo..
Mga guro na akala nila'y sila'y henyo
Ngunit ang totoo sila'y walang alam at puro lang pauso
Sa klase ay walang ginawa kundi umupo sa kanilang trono
Pagawa diyan,pagawa dito
Di mo malaman kong talagang totoo
Oh! masabi lang na sila'y nagtratrabaho...
Kami namang mga ESTUDYANTE
Umaasang madagdagan pa ang talino
Ngunit kung sina MA'AM AT SIR ay ganito ang istilo
Hinahangad naming dagdag na talino
Kailan pa maaareglo
Kung Kaya't sa lahat
Nang gurong aking natamaan
Tanging hiling ay sana'y paghusayan
Huwag maging bulag sa katotohanan
Na kaming mga kabataan
ang pag-asa ng bayan
Ngunit kayo Ma'am at Sir
ang pag-asa naming mga KABATAAN...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sabi nga ni sir marlon, "nakakasawa na daw ang mga muka natin".... Di lng natin masabi, GANUN DIN TAYO SAKANILA. HAHAHA
ReplyDeletewhehhhhhhhhhh...grabe...ha
ReplyDeleteawtssss...yari k loi palo k sa pwet kay sir...hehehe
ReplyDeletehehehe.. :) peace..
ReplyDeleteSorry sorry.. with netiquettes!
tama ! maraming ganyan s ncba.. ang masaklap major pa.. cnu gaganahan mag-aral kung ganyan sila..yung major umaastang minor, habang ang minor kung makaasta parang major.. =)
ReplyDeleteahhhhhhhhhh.....cguro nmn...marami lang silang problema......kaya nga sila naging guro ehh...magaling nmn sila ..dba...nobody is perfect.....di mo nmn lahat ng tao magugustohan ka...
ReplyDeleteahhhhh.... peace nga hehehe....
ReplyDeleteAh. Ganun pala ha. Bagsak kayo lahat.
ReplyDeletea professors have expectation for every student but students like me ; we have more expectation to our professors...right....
ReplyDeletepuro anonymous huh halatang ayaw pahuli!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSana sa lahat ng ginagalang naming na prof. na nakabasa nito...wag nmn po sanang damdamin..unless you treat this as a building criticism..for you to grow and change your wrong doings
ReplyDelete