Friday, July 30, 2010

Ako Bilang PINUNO!!


"WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY"

Taong 2010, isang malaking kabanata sa buhay ko ang aking binuksan. Isang biglang gawin ang bumungad sa akin na kapangyarihang ginawad sa akin na pamunoan ang kapwa ko estudyante.Oo sa unang sabi kay ganda pakinggan, KAPANGYARIHAN kasi ang pinaguusapan di ba! Dahil kabalikat kasi nito ang papolaridad at magagandang opotunidad ngunit sabi nga nila sa bawat kapangyarihan may kapalit na mabigat na responsibilidad.

Responsibilidad, ngayon pa nga lang ramdam ko na ito, kay hirap palang pasanin ang bawat tungkulin kakabit ng posisyong ito, akala ko madali lang! tama isang lang talaga iyong maling akala, isang maling AKALA.
Mahirap palang maging pinuno ng iang samahan akala ko nung una kay dali lang, paupu-upu lang sa kanyang opisina at utos dito utos doon sa kanyang mga nasasakupan..Inuulit ko
isa lng pala itong maling akala. Paging pangulo o pinuno maliit man o malaking organisasyon ay mabigat na tungkulin,KAY HIRAP TALAGA.

Pagiging pinuno nga ay tunay na mahirap ngunit kong makikita mo kong anu-ano ang mga nagawa mong maganda sa loob ng iyong pamumuno di ba't kay sarap itong gunitain. Noong unang mga araw nang pagiging pangulo ko sa aming organisasyon ramdam ko agad ang bigat ng aking responsibilidad. Bawat araw ngang lumilipas sumasagi sa aking isipan "Teka! Tama ba ito? Parang kay bilis? Handa ba ako?". Ang mga salita at tanung na iyon ay lagi kong iniisip bawat araw. Iba't-ibang problema ang agad na sumambulat sa akin, mga problema di lang sa partikular na problema tuwing may aktibidad pati problema sa aking mga kasamahan, problema at suwestyon kung bakit ako ang kanilang pangulo.

Oo nga bakit nga ba ako ang naging pangulo, eh di naman basta basta ang organisasyong aking pinasukan isa ito sa mga kilala at malaking samahan sa aming paaralan, inuulit ko bakit ako? Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang tanung na iyon tanging sagot ko,"kung hindi ako! sino? sino ang magiging pangulo?

Mahirap talaga ang maging pinuno, iba't-ibang mata ang laging nakatingin sa iyo at iba't-ibang tiwala ang dapat mong makuha. Siguro kung may kahinaan ako bilang pinuno ay yun ung pagtitiwala di lang sa sarili ko kundi pagtitiwala sa mga kasamahan ko.
Mahirap kasi ako magtiwala sa mga taong nasa paligid ko. Ewan ko kung bakit. basta di ko alam ang sagot. Ngunit sa pagkakataong ito at sa mga kasamahan ko na tinatawag kong MGA KAIBIGAN, Tiwala na kay hirap kong ibigay ay garintisadong na sa kanila na. Kay galing nila, Salamat sa kanila.

Pagiging Presidente, pinuno, leader at kong anu-ano pa ang maaring itawag ay mahirap talagang responsibilidad ito, ngunit sa tulong ng iyong mga kasamahan at mga taong totoo mong pinagkakatiwalaan, ang mga tunay mong kaibigan sigurado pagiging pinuno ay
magiging kay dali lang.

Sa ngayon pagiging Presidente ko ng aming organisasyon (CMIS Society) ay tinatanggap ko di lang isang posisyon kundi isang obligasyon na gawin ang dapat at pawang dapat lamang

1 comment:

  1. Oo pinuno ka pala ah!!!
    ikaw muna unang magbayad ng ORG. SHIRT...
    you are the leader so you must be the first one to pay!!! OK understood...
    hehehehehe...
    anonymous!!!

    ReplyDelete