Friday, July 30, 2010

Ako Bilang PINUNO!!


"WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY"

Taong 2010, isang malaking kabanata sa buhay ko ang aking binuksan. Isang biglang gawin ang bumungad sa akin na kapangyarihang ginawad sa akin na pamunoan ang kapwa ko estudyante.Oo sa unang sabi kay ganda pakinggan, KAPANGYARIHAN kasi ang pinaguusapan di ba! Dahil kabalikat kasi nito ang papolaridad at magagandang opotunidad ngunit sabi nga nila sa bawat kapangyarihan may kapalit na mabigat na responsibilidad.

Responsibilidad, ngayon pa nga lang ramdam ko na ito, kay hirap palang pasanin ang bawat tungkulin kakabit ng posisyong ito, akala ko madali lang! tama isang lang talaga iyong maling akala, isang maling AKALA.
Mahirap palang maging pinuno ng iang samahan akala ko nung una kay dali lang, paupu-upu lang sa kanyang opisina at utos dito utos doon sa kanyang mga nasasakupan..Inuulit ko
isa lng pala itong maling akala. Paging pangulo o pinuno maliit man o malaking organisasyon ay mabigat na tungkulin,KAY HIRAP TALAGA.

Pagiging pinuno nga ay tunay na mahirap ngunit kong makikita mo kong anu-ano ang mga nagawa mong maganda sa loob ng iyong pamumuno di ba't kay sarap itong gunitain. Noong unang mga araw nang pagiging pangulo ko sa aming organisasyon ramdam ko agad ang bigat ng aking responsibilidad. Bawat araw ngang lumilipas sumasagi sa aking isipan "Teka! Tama ba ito? Parang kay bilis? Handa ba ako?". Ang mga salita at tanung na iyon ay lagi kong iniisip bawat araw. Iba't-ibang problema ang agad na sumambulat sa akin, mga problema di lang sa partikular na problema tuwing may aktibidad pati problema sa aking mga kasamahan, problema at suwestyon kung bakit ako ang kanilang pangulo.

Oo nga bakit nga ba ako ang naging pangulo, eh di naman basta basta ang organisasyong aking pinasukan isa ito sa mga kilala at malaking samahan sa aming paaralan, inuulit ko bakit ako? Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang tanung na iyon tanging sagot ko,"kung hindi ako! sino? sino ang magiging pangulo?

Mahirap talaga ang maging pinuno, iba't-ibang mata ang laging nakatingin sa iyo at iba't-ibang tiwala ang dapat mong makuha. Siguro kung may kahinaan ako bilang pinuno ay yun ung pagtitiwala di lang sa sarili ko kundi pagtitiwala sa mga kasamahan ko.
Mahirap kasi ako magtiwala sa mga taong nasa paligid ko. Ewan ko kung bakit. basta di ko alam ang sagot. Ngunit sa pagkakataong ito at sa mga kasamahan ko na tinatawag kong MGA KAIBIGAN, Tiwala na kay hirap kong ibigay ay garintisadong na sa kanila na. Kay galing nila, Salamat sa kanila.

Pagiging Presidente, pinuno, leader at kong anu-ano pa ang maaring itawag ay mahirap talagang responsibilidad ito, ngunit sa tulong ng iyong mga kasamahan at mga taong totoo mong pinagkakatiwalaan, ang mga tunay mong kaibigan sigurado pagiging pinuno ay
magiging kay dali lang.

Sa ngayon pagiging Presidente ko ng aming organisasyon (CMIS Society) ay tinatanggap ko di lang isang posisyon kundi isang obligasyon na gawin ang dapat at pawang dapat lamang

Thursday, July 29, 2010

AYAN kasi..AYAN tuloy.!!!


Bakit ganito
Pano umabot dito
I gave in to the pressure
I gave in

Ayan kasi ayan tuloy
Ayan kasi ayan tuloy

Bakit ganito
Pano nangyari to
I was so nice
That I never stood up for myself

Ayan kasi ayan tuloy
Ayan kasi ayan tuloy

Ayan kasi
Ayan kasi naman kasi ako
Ayan kasi
Ayan kasi naman kasi ako
Ayan tuloy
Ayan kasi naman kasi ako
Ayan tuloy
Ayan kasi naman kasi ako
Ayan tuloy
Ayan tuloy

Bakit ganito?
Anu ba ang pinagagawa ko
May nasasaktan na pala akong ibang TAO..
Di ko alam kong paano
Ngunit ang alam ko
Paumanhin sa inyo....


Ako'y litong lito
Kung anu ang pinaggagawa ko
Di ko alam MALI na pala ako..
Muli PAtawad po sa inyo
Ako lang ay simpleng tao..

Ngayon isang Leksyon aking natutunan
May damdaming dapat IGALANG..
Dahil marami silang nasasaktan..
Muli salitang PATAWAD sa inyo'y dapat igawad..

AYAN KASI, AYAN TULOY.........

Saturday, July 24, 2010

LEADER Vs follower



When leaders make a mistake, they say, "I was wrong."
When followers make mistakes, they say, "It wasn't my fault."

A leader works harder than a follower and has more time;
a follower is always "too busy" to do what is necessary.

A leader goes through a problem;
a follower goes around it and never gets past it.

A leader makes and keeps commitments;
a follower makes and forgets promises.

A leader says, "I'm good, but not as good as I ought to be;"
a follower says, "I'm not as bad as a lot of other people."

Leaders listen;
followers just wait until it's their turn to talk.

Leaders respect those who are superior to them and tries to learn something from them;
followers resent those who are superior to them and try to find chinks in their armor.

Leaders feel responsibile for more than their job;
followers say, "I only work here."

A leader says, "There ought to be a better way to do this;"
followers say, "That's the way it's always been done here."

Sunday, July 18, 2010

Kahirapan, Kaninong Kasalanan?



Isang buhay na sisilip pa lamang
sa katanghalian ay nahagkan
ng gutom, dusa at iba pang dahilan,
kamatayan, sa huli ang pinagnilayan
lubid sa kisame ang pinagdulugan.

Ang mga malilinis at walang sala
Nagsalitana’t kapagdaka
Nagturo na at nagbabala pa
Mauulit pa ito, manalig ka.

At dahil walang dungis ang kamay
at ang mukha’y walang mumong masulyapan
naghanap na sila, ng turo ay paglalaanan.
Ang pamahalaan ang inuna sa listahan.

Kahit pa ang kahirapan
ay kalansay ng dating pagiging kolonya,
Sa namumuno sinisi ang hatol ng buo.

Kahit na sa istruktura
ng kapangyarihan, ang nagpangyari
ng bangungot, isini ito ng walang bawas
sa kung sino ang taas.

Kahit na ang kamay ng Diyos
ang minsan tumadhana,
ng bagyo, lindol at pagguho ng tahimik
na kabundukan, na nagbayo ng palay ng kahirapan,
sino ang sinisi sa tutong na hapunan?
Walang iba, walang iba, ang pamahalaan ang
animong kalan.

At kahit na ang kahirapan
ay ihip ng hangin ng di pangkakapantay pantay,
ano ba naman ang nalalaman nilang
may malilinis na salawal at saya,
Ang gobyerno lamang ang hubad na may sala.

At dahil ang, ang gobyerno ay tatatlong kulayin,
Ang sinisisi, naninisi at walang pakialaman,
Mararapat na siguro sa pangulo na lamang
isisi ang lahat,
Kaniyan man o hindi ang buong sala,
siya na rin, siya rin, ang buong buong ating sisihin.

___
Hanggang sa muli, maghuhugas kamay na muna akong muli.

-CHICO

Thursday, July 15, 2010

Mas maganda pang MAHIRAPAN, kaysa maging BOBO!


Pansin mo ba?
Ang aking naging titulo
Sa pamagat una kong pinunto..
Mas maganda pang MAHIRAPAN,
kaysa maging BOBO!
Di mo man alintana
Ngunit ito ay totoo...

Sa karamihang Estudyante
Ito'y laging wika..
Ngunit sa iba
Ito ay balewala..

Estudyante...Ang salitang Bobo,
Tunay ngang kainsu-insulto
Ngunit sinong dapat umareglo
Mga Guro o tayo!!

Oo...Minsan kay Ma'am at sir
Nating nirereklamo
Ang Pagtuturo
Nilang walang kapunto-punto..

Kakainis sa ibang mga guro
Di man lang kami matuto
Ngunit Papugay sa inyo
Sa mga guro kung totoo
Turo ninyo'y
Aking ipagmamalaki

Past, Present, Future


Giving you all of myself,
To you and not anyone else.
Everyday, not just now and then,
To be able to call you more than a friend.

Friendship goes in and out.
To make it stay, to be more than a doubt.
A wish well wanted, to become real,
To see through the mist that's never still.

Hearts that don't stop loving,
Even when one dies.
Eyes that are truthful, that tell no lies.
Lips that share the love so sweet,
Bodies that feel the intense heat.

Sunny days spent together,
Memories that will hopefully last forever.
Winters spent keeping each other warm.
Holding each other through the storm.

Emotions so strong they must be shared,
So someone else does not stand bare.
Giving without taking back.
Never giving into the slack.

Here at the chapel we stand,
To be called wife and man.
To be one forever and always.
Walking down the corridors and hallways.

Life will give plenty of times,
When the corridor splits in two.
We'll go together in the dark,
But if we stay together,
We'll make it through.

Making it through, day by day,
This is what I had to say.
Learn and also be the teacher,
Of what was, is, and could be,
The Past, Present, Future.

Sunday, July 11, 2010

IKAW! ANO KA SA KLASE?

Maraming personalidad o karakter
ang makikita sa loob lamang na isang silid-aralan..
Ang tanong lang ....sino ka sa kanila?




Sa Klase iba't-ibang katauhan ang ating nakakasama, kay saya ngang
isipin na sa loob lang ng apat na sulok ng silid-aralan ay para ka ng
nakikihalubilo sa daang daang tao sa syudad. Di mo ba napapansin ang
arrangement o sinasabi nilang "cheating arrangement" daw sa klase at pansinin mo
ang mga studyanteng nasa HARAPAN, nasa GITNA, at nasa LIKURAN hindi ba't
parang magkakaiba. Kung kikilatisin mo ang bawat isa sa kanila mapapansin mo
na sa bawat parte ng silid aralan ang may iba't-ibang agenda maliban sa
paggawa ng homework o iba pa. Itong halimbawa, pansinin mo ung mga nakaupo
sa harapan;hindi ba't sila ung mga mababait at masisipag sa klase pero minsan
dyan din nakaupo ung mga studyanteng mahilig sumipsip sa teacher.
Sa parteng gitna naman naghalo ung mga masisipag, mga tamad at pati na ung
walang pakialam sa mundo, at kung magawi ka naman sa likuran
mapapansin mo namang mas marami sila kaysa ung mga nakaupo sa harapan at gitna,
Kasi naman dito yung pwesto na tila laging may party, may tulog, may maingay.
Dito rin masarap magtago para mangopya o magsoudtrip.
Ang buhay studyante nga naman. Sa klase di maiiwasang makakilala ka ng iba't-ibang
tao taglay ang iba't ibang personalidad. Ayan may makikilala kang mga grupo ng kababaihan
kundi make up ay cellphone ang hawak, misan maiinis ka sa kaartehan nila kulang na lang ay idikit ang mga
salamin sa mukha nila ;sila ung mga tinatawag na PR girls o poru retouch, ito pa mayroon
dyan yung parang tinitingala ng karamihan palibhasa gwapo at maganda sila ung mga
tinatawag ng "diyos at diyosa" sa klase, mayroon naman na tinatawag na NERDs na may
suotsuot na malaking salamin sa mata siguro simbolo lng yun na henyo sila
ngunit sila rin ang madalas na ibully sa klase pero sila ang natatanging bida
sa panahon ng mga eksaminasyon, kung may mga NERDS may mga studyante naman sobrang
hirap makapick up ng leksyon , BOBO nga kung sila'y tawagin ngunit sila
minsan ang nagbibigay ng kulay at sigla sa klase sa mga kwela at astig na banat nila
sila ung mga titatawag na BONGKLERZ. Oo nga iba't-ibang klase ng tao ang ating
makikilala at pilit na pakikisamahan ngunit ang tanung nalang sino sa kanila
ang yung makakasama;ang mga PR girls, NERDS AT BONGKLERZ O magiging kabilang ka sa DIYOS at
DIYOSA ng klase. Oo! Ano! Sino ka ba sa kanila?
Tanung ko lang, Ikaw ano ka sa Klase?

Friday, July 9, 2010

KAPIT BISIG


Di ka ba nalilito?
Sa dinami dami
Nang wikang ginagamit mo
Di ka ba nahihirapan?
Di maunawaan ang
PINAG-UUSAPAN......

Gamit ay iba't-ibang salita
Mayroon namang
SARILING WIKA.....

Kapit bisig
Filipino sa wikang Filipino
Kapit bisig
Dahil wika natin ITO..

Halina't isigaw
Sa buong sambayanan
Ang wikang Filipino
Ang gamit ko
Ang wika na
BAYAN KO......

Tatak ng Pilipino


Sa puso'y may larawan
Nang lupa mong hinirang
May lunas bang laan

Mayroon bang kinabukasan
Ang lupang sinilangan
Pag-asa ka
Nang ating BAYAN...

Tatak nang Pilipino
Sa sipag at talino
Kahirapan at Pagbabago
Kaibigan na sa iyo..

Sa harap ng paghihirap
Sa harap ng pagsisikap
Itaas mo ang iyong pangarap

Ibangon mo ang tatak ng Filipino
Itaas mo ang watawat sa mundo
Nasa iyong lakas ang pagbabago
Kahit saan naroroon
Habang may pagkakataon
Buhayin ang pangarap mo
NGAYON...........

Tignan mo ang larawan
Nang bagong Pilipinas
Nasadlak sa Kahirapan
Muli syang tataas
Nasa iyo ang Katuparan
Nasa iyo ang kaganapan
Pag-asa ka nga ating BAYAN...

Ibangon mo ang tatak ng Filipino
Itaas mo ang watawat sa mundo
Nasa iyong lakas ang pagbabago
Kahit saan naroroon
Habang may pagkakataon
Buhayin ang pangarap mo
NGAYON...........

Ekswelahan nga ba? o sadyang TAMBAYAN na lang!!


Bakit ka'y daming kabataan
Wala man lang pansin sa pinag-aaralan
Sadyang ganito na lang ba....
O may pag-asa pa.....

Ekswelahan nga ba? o sadyang TAMBAYAN na lang!!
Iba't ibang estudyante ...
Iba't ibang kalokohan....
Kalokohang kala mo'y wala silang pinag-aralan
Tanong ko sa sarili ,TAMA lang ba na hayaan na lang.....

Ekswelahan nga ba? o sadyang TAMBAYAN na lang!!
Suot nila'y kumpletong Uniporme
Akala mo'y tunay
Ngunit stilo nila'y huwad.....
Tawag nga sa kanila'y ESTUDYANTE
Ngunit astang namang TAMBAY sa kanto..........

Kahit di mo man pansinin......
Di mo pa rin maiwasang mainis....
Natuturing ngang nasa paaralan....
Ginawa namang palipasan ng lang ng oras
Sila'y mga KABATAANG
Walang pakinabang sa BAYAN

Sunday, July 4, 2010

IBA'T IBANG MUKHA NILA MA'AM AT SIR!!


Guro, Teacher, Prof,
o kahit anu pa ang iyong ibansag.
Ma'am at Sir
Sa kanila'y unang tinatawag

Sila Ma'am at Sir
Pare-pareho nga lang ba sila?
O may taglay din silang pag kakaiba
Anu nga ba ang tingin natin sa kanila?
at Anu nga ba ang tingin
natin sa propesyon nila?

Ikaw! kilala mo ba sila...
Sina Ma'am at Sir
Na iyong kasama tuwina sa paaralan
Sila ba'y iyong kinagigiliwan
O iyong kinaiinisan
Anu nga ba ang iba't ibang mukha nila Ma'am at Sir?

Sina Ma'am at Sir
Kung ating ituring
Ay henyo sa ating paningin
Tarabaho nila'y di dapat baliwalain
Sapagkat taglay na husay
ay dapat ngang purihin

Sina Ma'am at Sir
Pangalawang magulang kong sila'y tawagin
Sa loob ng Eskwelahan bida ang turing
Ngunit lahat ba sila'y dapat PURIHIN
O may ilan sa kanilang
Dapat nang PATALSIKIN.....

Tanung sa sarili
Ma'am at Sir ,Isa lang ba ang mukha?
Mukhang dakila na dapat ngang itingala
O mukhang WALA na dapat ng ibaliwala

Iba't ibang mukha nila Ma'am at Sir
Aking nakita...
May mukhang galak sa kanilang serbisyo,
Mukhang tapat na dapat irespeto,
at mukhang umaapaw sa galing at talino....
Yan sina ma'am at sir na aking iniidolo..

Ngunit di lahat ng guro ay pare-pareho
Kung may Ma'am na magaling at disiplinado sa lahat ng gawain,
Heto naman si Ma'am na maarte at pampaganda lang ang pinapansin.
Kung may Sir na istrikto at sa leksyon ay utak nakasentro,
Ito naman si Sir na puro pauso at sa inuman handa ng makigulo.


Bakit, OH Bakit, nagkaganito
Sina Ma'am at Sir na aking iniidolo
May kasama palang pampagulo..
Mga guro na akala nila'y sila'y henyo
Ngunit ang totoo sila'y walang alam at puro lang pauso
Sa klase ay walang ginawa kundi umupo sa kanilang trono
Pagawa diyan,pagawa dito
Di mo malaman kong talagang totoo
Oh! masabi lang na sila'y nagtratrabaho...

Kami namang mga ESTUDYANTE
Umaasang madagdagan pa ang talino
Ngunit kung sina MA'AM AT SIR ay ganito ang istilo
Hinahangad naming dagdag na talino
Kailan pa maaareglo

Kung Kaya't sa lahat
Nang gurong aking natamaan
Tanging hiling ay sana'y paghusayan
Huwag maging bulag sa katotohanan
Na kaming mga kabataan
ang pag-asa ng bayan
Ngunit kayo Ma'am at Sir
ang pag-asa naming mga KABATAAN...